Sama-samang paghahanda para sa ligtas at mapayapang Undas 2026. 🕊️️
Isinagawa ng Himlayang Pilipino ang taunang pagpupulong kasama ang mga lokal na ahensya at organisasyon upang pagtugmain ang mga paghahanda para sa maayos at ligtas na pagdalaw ng mga pamilya ngayong Undas.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa pakikiisa ng Emperor Security Agency, TTMD, QCDE, QCPD-PS14, QCFD-EMS, TFD, QCDRRMD, Philippine Red Cross, Philippine Army Reserve, Philippine Air Force Reserve, DPOS, Barangay Pasong Tamo, at Barangay Tandang Sora.
Sa inyong suporta at pakikipagtulungan, sama-sama nating pinaghahandaan ang isang mapayapa at makabuluhang paggunita sa ating mga mahal sa buhay. 🤍
#HimlayangPilipino #Undas2026 #SamaSamangPaghahanda #HPICommunity