Ang Himlayang Pilipino ay nakikiisa sa paggunita ng ika-18 taong anibersaryo ng kamatayan ni George Canseco. Si George ay nakilala bilang composer ng mga kantang “Ako ay Pilipino” at “Kapantay ay Langit.” Kasabay nito, siya rin ay nahalal bilang konsehal ng Unang Distrito ng Quezon City noong 1988-1992 at 1998-2001.
Ang kanyang mga labi ay nakahimlay dito sa Himlayang Pilipino Memorial Park.