Ang Himlayang Pilipino ay nakikiisa sa sambayanang Filipino sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Kalayaan. Alalahanin natin at sariwain ang pagbubuwis ng buhay at mga sakripisyong dinanas ng ating mga ninuno, upang ipaglaban at makamit ang minimithing kalayaan na ating tinatamasa sa kasalukuyan.